top of page
Search

Tara sama ka sakin?

  • Encounter Together
  • Feb 25, 2018
  • 2 min read

Madalas natin naririnig ang salitang 'yan sa mga nakakatanda satin noong tayo'y bata pa. Kahit hindi mo alam ang patutunguhan, sige lang. Bakit ka nga ba nasama?. Marami kang dahilan pero may isang nananaig kaya't ginusto mong sumama. Hayaan mong bigyang-linaw ko sayo ang isang senaryong iyan. Una, sa gitna ng pangungulila kaya mo ginustong sumama sa kanya. Kung ang ating Diyos ay sinasamahan natin kung tayong nangungulila, malamang sa malamang ikaw ang tinutukoy nito dahil sabik tayo sa kanya. Sa bawat segundo, minuto, oras at araw, tayo ay sabik na makasama at maramadaman ang presensya niya. Pangalawa, kaya ka sumama kasi may may inaasahan ka. Sa bawat tawag ng pangalan ng panginoon ay tila nag-aantay tayo ng matatanggap. Halimbawa nito, ang ilan sa atin ay nagdarasal lamang kapag tayo ay nasa isang pagsubok marahil may iniinda tayong karamdaman kaya't lumalapit tayo sa Diyos dahil alam nating siya ang magiging daan para gumaling tayo mula sa karamdaman o 'di naman kakulangan sa pinansyal. Ang ilan sa atin ay naaalala lang siya sa tuwing tayo ay may inaasahan. Ikatlo at ang pinaka-mahalaga sa lahat, sumama tayo dahil tayo ay nagtiwala sa taong nag-alok satin. Ang tiwala ay likas na maituturing sa tao dahil ginawa tayo ng Diyos upang magtiwala sa lahat lalong-lalo na sa kanya. Kung ang lahat ay may pagdududa, walang mangyayari sa ating buhay at 'di natin makikita ang tunay na kahulugan ng buhay dahil nga puno tayo ng pagaalinlangan. Puno tayo ng pagaalinlangan dahil tayo ay takot. Puno tayo ng pagaalinlangan dahil tayo ay nakasandal sa isang paniniwalang humahatak satin pababa. Puno tayo ng pagaalinlangan dahil 'di tayo marunong manalig. Isang tanong na tumutukoy sa lalim ng pananampalataya mo. Ngayon tatanungin kita. Tara sama ka sakin?. Mananatili ka ba sa dilim o gagawin mong liwanag ang minsan ng naging dilim. Gaano nga ba katibay ang tiwala mo sa kanya. Tara sama ka sakin?

-DCI


 
 
 

Comentarios


  • LetsEncounterGodTogether
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page