Bibliya
- Encounter Together
- Feb 25, 2018
- 1 min read
Alam naman natin ang kabataan ngayon maraming pinagkakaabalahan for example cellphone ng cellphone, panonood ng kdrama at higit sa lahat pakikipaglandian sa kanilang jowa. Dahil dito nababaliwala na ang bibiliya na puno ng mga salita ng panginoon.
Unang dahilan kung bakit mahalagang malaman ang salita ng panginoon dahil ito ay walang mali lahat ng nakasaad sa bibliya ay pawang katotohanan lamang hindi yan katulad ng ex mo na kung anong pagpapabola ginawa yun pala niloloko ka na nya.
Pangalawa, ang salita ng panginoon ay kumpleto at walang kulang. Revelation 22:18-19 God gave us a warning na sa lahat ng magtangkang magbago o magdagdag sa salita ng panginoon. Dahil nandyan na lahat, hindi katulad sa isang relasyon na naghihiwalay dahil yung isa ay may pagkukulang.
Pangatlo, ang salita ng panginoon ay may authoritive na kung saan walang sinuman ang makakatumbas nito. According to the book of Psalms 119:89 says "Forever, O Lord, Your word is settled in heaven."
Kaya dapat nating basahin ang bibliya sapagkat ito'y lubos na mapagkakatiwalan at walang halong biro. Base sa bibliya 2 Timoteo 3:16-17, Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.
-ALMB

Comments