ANG LOVESTORY NATIN
- Encounter Together
- Feb 25, 2018
- 1 min read
Sa bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo o kahit buwan, palagi kang nandyan, di ka pa napapagod o nagsasawa?
Bakit ba patuloy mo akong minamahal kahit patuloy kitang sinasaktan?
Bakit ba patuloy mo akong iniintindi kahit na itong mismong sarili ko di ko na maintindihan?
Bakit ba patuloy mo akong pinapatawad kahit patuloy akong gumagawa ng kasalanan?
Bakit ba palagi mong pinaparamdam sakin na mahal mo ko kahit madalas kong makalimutan na , oo nga pala nandyan ka pa.
Wala ka bang kapaguran? O kasawaan?
Ang sagot ay wala. Kahit kailan hindi sya napapagod. Ganun nya tayo ka mahal, na kahit lahat tayo ay makasalanan patuloy nya parin tayong pinapatawad at tinatanggap.
Sya ay nagpakita ng namumukod-tanging halimbawa ng pagibig na may pagsasakripisyo sa sarili. Ang pagsasakripisyo sa sarili ay nangangahulugan ng walang pagiimbot na pag-una sa mga pangangailangan at kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili.
Kung alam nating mahal nya tayo. Marapat lamang na mahalin din natin sya. Gumawa tayo ng maganda at malusog na ugnayan sa kanya.
Kung madali lang sating magmahal ng isang tao na may posibilidad na iwanan tayo at saktan. Bakit hindi natin patuloy na mahalin ang Diyos? Mahalin natin sya sapagkat may kasiguraduhan na di nya tayo iiwan o sasaktan. Gagabayan tayo, iingatan, aalagan at higit sa lahat mamahalin.
Umpisahan na natin ang LOVE STORY NATIN para sa kanya.
-AP

Comments